How to Make Kropeck from Rice (Laon)

Ingredients:

  • 2 tasang bigas (laon o luma)
  • ½ tasang maliit na hipon o ulo ng hipon o tagunton
  • 2 ½ kutsaritang asin
  • ½ kutsaritang vetsin
  • food color (maaring wala)

Kasangkapan:

  • Gilingan ng mais
  • Lutuan
  • Pasingawan
  • Mixing bowls
  • Measuring spoon
  • Mga bandehado

Paraan:

  1. Ibabad ang bigas nang magdamag o sa mainit na tubig nang 20 minuto. Patuluing mabuti.
  2. Gilingin ang bigas at hipon ng magkaroon ng mahipis na masa.
  3. Idagdag ang asin at vetsin. Lagyan ng food coloring kung gusto. Haluing mabuti.
  4. Ilipat ang manipis na masa (2-3 kutsara) sa isang kawaling pinahiran ng konting mantika.
  5. Pasingawan ng 1-3 minuto hanggang ang timplada ay maging malinaw.
  6. Hiwain sa tamang piraso (1″ x 2″ x 1/6″).
  7. Ilipat sa patuyuang bandehado at ibilad sa araw nang 6 na oras hanggang lumutong.
  8. Itago sa malamig at tuyong lugar.

source: elgu2.ncc.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *