5. Teknolohiya sa Pagpapataas ng Lahi ng Kambing

Ayon kay Dr. Emilio Cruz ng Research, Extension and Training Unit ng Central Luzon State University sa Muñoz, Nueva Ecija, and teknolohiya nang pagpapataas ng lahi ng kambing ay kinapapalooban nang pagpapalahi nang katutubong mga kambing sa “Anglo Nubian”.

Sangayon kay Dr. Cruz, pinabubuti ng teknolohiyang ito ang kalidad ng karne at produksiyon ng gatas ng mga kambing. Sinabi niya na binibigyang diin sa teknolohiya ang tamang mga gawain sa pagpapalahi kabilang ang mabuting pangangasiwa at pagpapakain.

Sa paggamit ng teknolohiya, ang pagtaas ng 50-100 porsiyento ng timbang at 100-150 pagtaas ng produksiyon ng gatas ay maaaring asahan. Ang pinaglahing mga kambing na 25 porsiyentong katututbo at 50 hanggang 75 porsiyento Anglo-Nubian ay napatunayang bagay at maitataguyod.

6. Wastong Pagpapakain sa Patabaing Baka

Mas malaki ang kikitain kung mabigat ang timbang at mataas ang uri ng ipinagbibiling baka. Kung wasto ang pagpapakain sa isang patabaing bakang ipagbibili, makadadagdag ito sa timbang at presyo ng baka.

Mga paraan ng pagpapakain sa baka na makatutulong sa pagpapataba bago ito ipagbili:

  • Tamang panahon ng pagpapataba Karaniwang isinasagawa ang pagpapakain o pagpapataba tuwing ika-anim na buwan hanggang maging isang taon ang baka. Kung may lahi naman ang baka, inuumpisahan itong bigyan ng pagkaing pampataba kung tumitimbang na ng 200 kilo.

Dagdag na pakain para sa patabaing baka

  1. pinaghalu-halong isang kilong darak, 3/4 kilong payat o “copra meal”, at 1/4 kilong pinatuyong dumi ng manok.
  2. pinaghalu-halong isang kilong darak, 1/4 kilong pulot, at 1/2 kilong giniling na batad at 1/2 kutsaritang urea na tinunaw sa pulot.

Paalala: Maaaring pumili lamang ng isa sa dalawang uri ng dagdag na pakain sa itaas at ibigay ito ng 1-2 kilo bawat araw. Dapat ibigay ang pagkain sa patabaing baka ng isa’t kalahati hanggang tatlong buwan bago ito ipagbili, ngunit mas mainam kung bibigyan pa ng mga anim na buwan ang patabaing baka bago ito ipagbili.

Maaaring idagdag ang 3/4 kilong pinatuyong dahon ng ipil-ipil sa isang kilong darak at 2 guhit na pulot sa pang-araw-araw na pakain ng baka.

  • Mainam na pakainin ang baka ng mahusay na klaseng damo o legumbre gaya ng paayap, kadyos, at mga pinag-anihan ng mungo at mani. Mas mainam kung maibibigay ang dami na kayang ubusin ng baka.
  • Mainam ding ibigay ang hiwa-hiwang piraso ng kamoteng kahoy, palyat o “copra meal”, darak, pulot, at asin. Maaaring bigyan ang baka ng 1/2 tasa ng asin araw-araw upang manatili ang gana sa pagkain.

7. Paggawa ng Pangluwas na Pulang Itlog na Tumatagal

Ang pag-aalaga ng itik, isang mahusay na negosyo, ay hindi kumpleto kung hindi sasamahan nang paggawa ng balot at itlog na maalat o itlog na pula. Ang mga pagkaing ito na malasa at masustansiya ay araw-araw na ipinagbibili sa buong kapuluan at iniluluwas sa ibang mga bansa tulad ng Kuwait, Saudi Arabia, Peninsula, Bahrain at sa “the Trust Territory in the Pacific Islands”.

Subalit, isa sa pangunahing problema sa pagnenegosyo ng itlog na pula ay madali itong masira. Karaniwang hanggang apat na linggo lamang ang itinatagal ng mga nito. Hindi sapat na panahon ito lalo na kung iluluwas ang produkto sa ibang bansa. Kaya nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka, ROS IV, Sta. Barbara, Pangasinan at ang Institute of Animal Science, University of thye Philippines at Los Baños ng isang sama-samang pag-aaral upang malaman kung paano magagawang mas mapatatagal na hindi agad masisira ang itlog na pula at makapagrekomenda nang pinakabagay na paraan ng pagpoproseso para sa lokal at ibang mga bansang pamilihan.

Ginamit na mga paraan sa paggawa ng pulang itlog

Alinsunod sa pagsubok, ang mga napiling mga itlog na ginamit ay hinugasan munang mabuti ng tubig at sabon bago isinagawa ang sumusunod na apat na mga paraan:

  • Una, paggamit ng solusyon ng asin. Kinapapalooban ito nang pinaghalong 10 kilo ng asin at 20 litro ng tubig. Ang solusyon ay pinakulo, pinalamig at inilipat sa isang timba o sisidlang banga na dito ibinababad ang 150 itlog.
  • Pangalawa, paggamit ng luwad. Kinaugaliang paraan ito na ang karaniwang luwad at asin ay pinaghahalo sa proporsiyong isa sa isa (1:1) o 1,500 gramo ng luwad sa 1,500 gramo ng asin. Pinaghalong mabuti ang mga ito nang sapat na tubig na tama lamang na mabalot o mababad ang 250 itlog.
  • Pangatlo, paggamit nang pinainit na luwad. Kahalintulad ito ng pangalawang paraan, maliban sa ang luwad ay isang oras na iniinit bago ihalo sa asin.
  • Pang-apat, paggamit ng awtokleyb (autoclaved). Ito ay kahalintulad ng pangalawang paraan maliban na ang luwad ay inilagay muna ng may isang oras sa isang sisidlan na hindi napapasok ng hangin bago inihahalo sa asin.

Sa bawat isa ng apat na paraan ng pagpoproseso, ipinipreserba o ibinababad ang mga itlog sa sangkap na ginamit sa mga ito nang pare-parehong 20 araw.

Bago imbakin o itabi ang mga itlog na pula

Pagkatapos maipreserba ang mga itlog ng 20 araw, isa-isang hinugasan ang mga ito at apat na oras na dahan-dahang pinakuluan sa tubig upang makagawa ng mga kalidad na mga pulang itlog pagkatapos inimbak o itinabi ang mga ito sa lugar na ordinaryo o karaniwan ang temperatura.

KInalabasan ng pag-aaral

Napatunayan sa kinalabasan ng pandamdam na pagtaya na ang mga pulang itlog na prinoseso sa apat na paraan ay malaki ang pagkakaiba sa bawat isa batay sa mga ginamit na kritirya na kinapapalooban ng kayarian ng puit ng itlog, alat, lasa at kayarian nang pulang bahagi ng itlog, at pangkalahatang pagtanggap.

Ang mga pulang itlog sa tatlong paraan ng pagpoproseso: ordinaryong luwad, iniinit at iniawtokleyb na luwad ay nasa antas ng mataas na pagtanggap na 2.11, 2.20, at 2.17 na naturingan. Samantala, ang mga pulang itlog na ginamitan ng solusyon ng asin ay malaki ang pagkakaiba sa talong paraan na nagrehistro ng karaniwang pagtanggap na 1.85.

Nalaman rin sa pag-aaral na ang itatagal na panahon ng mga itlog na hindi nasisira sa solusyon ng asin, ordinaryo at iniinit na luwad, at iniawtokleyb na luwad ay apat na linggo, anim na linggo, at walong linggo na naturingan.

Sources:

  • CocoScope, July-September 1999.
  • Seraspe, E. et al Product Development of Ethnobotanicals as Natural Pesticides. Miagao, Iloilo: UPV, 2003
  • FFTC leaflet for agriculture. No. 2001-34. Food and Fertilizer Technology Center (FFTC), 14 Wen Chow St., Taipei, Taiwan, ROC. Cooperating agency for this topic: Rural Development Administration (RDA), Suwon, South Korea.
  • Research, Extension and Training Central Luzon State University, Science City of Munoz, Nueva Ecija.
  • Communication Technology for Rural Education. UPLB-EDPITAF. College, Laguna.
  • Datuin, J.;B. Ronduen;J.; Tandoc, J. Shelf-life evalution of salted eggs cured by different processing methods. In: Malab, S.C.; S. M. Pblico. eds. Agriculture in the Ilocos (Farm information and technologies, Vol.1). Batac, Ilocos Norte: Mariano Marcos State University. 1999. pp. 115-134.
  • TRC, www.tlrc.gov.ph, photo from damienworrell.co.uk

Pages: 1 2

Read Related Posts:
4 Responses
  1. Paul says:

    Nov. 11, 2009

    San pwedeng bumili ng mollases, copra meal at fish meal na mura at in bulk

  2. joseph says:

    YOU NEED DUCKWEEDS, THEYCAN PROVIDE YOU “FREE” TON’S OF DUCKWEEDS BECAUSE THEY CONSIDERED IT AS A PEST IN THERE WASTEWATER PONDS IN BANANAN PLANATIONS HERE IN MINDANAO.

  3. jm says:

    WHERE CAN WE BUY DUCKWEEDS

  4. solraya says:

    Timely reading today. Just this morning…

    1) while making muni muni, I remembered that Zac Sarian was telling me that coconut water is good as a final rinse after a bath and for washing the face. I guess it relates to how it can help vegetables too :)

    2) Doc Rey was on a radio interview this am and I heard him say that egg is almost complete food. The only other thing important that you have to take with your breakfast is Vitamin C

  5.  
Leave a Reply